Sunday, January 1, 2012

Masaganang Bagong Taon !

Sa inyong lahat, ang pagbati ng masaganang bagong taon at nawa'y ang pagpapala at biyaya na ating Panginoon ay lubusang ipagkaloob sa ating lahat. Salamat din sa mga sumusubaybay sa blog na ito. Inaasahan na makakapagbahagi ito ng kaalamang makakatulong sa pagpapayaman ng magandang asal at mapagmalasakit na konsiyensa. Mabuhay ang Pilipino!

Saturday, December 31, 2011

ONLY IN THE PHILIPPINES

Only in the Philippines! Ang ano ba yon? Wala lang. Basta. Isa pa, e ano ngayon kung "only in the Philippines"? Magbabago ba ang mundo kung hindi "only in the Philippines"?

Mga for example:

1. People Power. Tingnan ninyo, sa ibang bansa ang people power ay medyo maligalig. May mapayapa tulad ng sa atin. Ngunit meron din na hindi. Sa Pilipinas, hindi malaman noon ng mga dayuhan kung seryoso tayo o hindi. Aba saan ka nga ba makakakita ng people power na may mga nagtitinda ng mga kakanin, palamig, stickers, T-shirts, at lobo! Naku talaga nga naman. Tapos pag may nagbarilan, imbis na lumayo e pilit pa na lalapit at tawanang nakikiusisero. Kung hindi mo gamay ang ugali ng Pilipino ay maprapraning ka kung dayuhan ka. At mind you, sa Pilipinas lang kung saan ang mga napatalsik sa kinalalagyan ay nakakabalik sa pamamagitan ng kani kaniyang pamilya.

2. Traffic, Jaywalking at Lagay. Huwag na tayong lumayo pa. Araw- araw tayo ay dismayadong saksi sa mga nagwawalang driver at mga wari'y mga magpapakamatay na tumatawid sa mga kalsada. May batas pero ang pagpaptupad nito ay lumilitaw na guni-guni lamang. Ito ay mitsa rin ng corruption.

3. Patay, Lamay at Libing. Pag mayroong namatay, sa lamayan ay mayroong pasugal, pabingo, kainan na buffet, halakhakan, bottomless coffee, tetrapak juices, biscuits at iba pang kakanin. Yon nga lang halos lahat ay nasa labas ng talagang lamay habang ang bangkay ay nasa loob o parang display na lamang sa pagtitipon. At eto pa, pag picture taking na, naka smile pa, natakpan pa ang ataul. Kulang na lang may wacky shots. Pagdating naman sa pamahiin, naku isang katutak ang dapat sundin dahil wala namang mawawala. Pagalingan ng nalalaman as if concerned na para wala ng susunod na tipong episode o sequel ng "twilight". At huwag ka, sa libing, ang lalakas ng bulungan ng mga mapanghusga. Matapos ang libing, looking forward na mga ani mo'y concerned sa "siyaman", 40 days at lungkasan.

At marami pang iba. To be continued . . .
Sent from my BlackBerry®

Sunday, December 25, 2011

MALIGAYANG PASKO !

Simula noong ika-16 ng Disyembre 2011, umigting ang paghahanda upang magbigay daan sa pagdating ng ating Panginoon. Sa loob ng siyam na araw, ating natunghayan ang mga kaganapan kung saa'y marami ang umaasa na sa pagsapit ng Pasko, ang mga biyaya ay bubuhos ng lubusan at ang araw na pinakahihintay ay magiging masaya at masagana.

Ito na nga, Pasko na! Salamat sa Diyos at kaniyang ipinahintulot na ialay ang kaniyang anak na si Hesus upang maging tagapagligtas ng sambayanan. At nangyari ang mangyayari, si Hesus ang humango sa kinalulumuglukan ng sangkatauhan. Kung kaya naman sa tuwinang sumasapit ang araw ng Pasko, tulad ngayon, ating ipinagdiriwang ang pagdating ng ating Panginoon, buhay na buhay, totoong totoo. Ano man ang ating mga katayuan, ano man ang hinaharap natin sa kasalukuyan, tayo ay nararapat lamang na punong punong ng pag-asa.

Tayo'y panalangin lahat, at magkaisa na hilingin na nawa'y tayo at ang ating mga kapwa ay matamo ang mga hinahangad sa buhay, maging ligtas sa ano mang kapamahakan o sakuna, at mas higit na maging kalugud-lugod sa Panginoon, sa pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa Kanya.

Maligayang Pasko !

Saturday, December 24, 2011

PAGPAPATAWAD

Lungsod Quezon, 15 Disyembre 2011 - Malaking bagay ang magpatawad ng kapwa. Wika nga, kung ang Diyos ay nakakapagpatawad, tao pa kaya?

Sa buhay ng tao, maraming pagsubok ang pinagdadaanan ng bawat isa. Kinalaunan, mayroong pagkakataon na nakakasakit ang iyong kapwa sa iyo. Sa ganitong pangyayari, ikaw ay nagagalit o nakakapag-isip ng masama upang gumanti. Ano ang mapapala mo sa ganito? Wala. Sigurado ay hinagpis at pagsisisi ang haharapin mo.

Upang maging maginhawa ang puso at kalooban, matutong maging mapagpatawad na tuwina. Sa pamamaraang makatuwiran at makatarungan.

PAGHAHANDA at KAHANDAAN

Lungsod Quezon, 14 Disyembre 2011 - Malaki ang kaibahan ng "paghahanda" sa "kahandaan". Ang unang kataga ay hindi maituturing na kahandaan sa ano mang maaari o inaasahang mangyayari. Ang kahandaan ay nangunguhulugan na nagkaroon ng paghahanda. Ngunit maituturing ba na "handa" ka kung ikaw at naghanda?

Sunday, December 18, 2011

KRISIS

Lungsod Quezon, 13 Disyembre 2011 - Mayroong ipinapangamba ang mga mangilan-ngilang tanyag sa pagaaral ng konstitusyon - at ito ay ang tinatawag nilang "constitutional crisis". Ano ba ang kahulugan ng krisis na ito?

Sa bansang tulad natin, ang sistema ng pamahalaan ay "republican". Sistema na kung saan ang taong bayan ang pinagmumulan ng kapangyarihan ng pamahalaan. Ang ehekutibo ang nagpapatupad ng batas. Ang kongreso at senado ang gumagawa ng batas. Ang korte suprema ang nagpapakahulugan sa batas at tagapaghusga ng mga karapatan.

Inaasahan na ang mga sangay na ito ay maggagalangan sa isat isa at mayroong pagkakaisa na susundin ang Saligang Batas.
Nagkakaroon ng krisis sa sandaling ang isang sangay ay naging pasaway.

Hindi maganda sa bansa pag nagkaroon ng krisis. Ito ay dahil magdudulot ito ng pagkakahati-hati ng mga mamamayan na maaaring maging sanhi ng kaguluhan o kawalan ng respeto sa batas at mga institusyon.

Sa mga ganitong pagkakataon ang taong bayan ay dapat magpahayag ng katapatan sa pamahalaan na pinamumunuan ng ating mahal na Pangulo. Iparating din naman natin sa kanya ang ating saloobin sa mga nangyayari sa pamamagitan ng ating mga kinatawan sa senado at kongreso, at ibang pamamaraan na di gumagamit ng dahas.

Ito ang demokrasya. Itaguyod natin.
Sent from my BlackBerry® 09328264529

Saturday, December 17, 2011

ANG "AMO"

Lungsod Quezon, 12 Disyembre 2011 - Kulang na lang ay sambahin at kitang-kita natin kung paano ibigay ng tao ang kanyang sarili sa pinaglilingkuran niyang amo. Ang katapatang ito ay kapalit ang pag-asa na bubuti ang kanyang buhay at ng kaniyang pamilya. Inaasahan din na sa panahon ng pangangailangan o kagipitan, siya ay tutulungan at hindi iiwanan. Sa bahagi naman ng "amo", para sa kanya ay dapat lamang siya ay paglingkuran o di kaya kaniyang sasamantalahin ang pagkakataon upang paasahin ang naglilingkod sa kanya.

Mayroon naman na mga taong umaasa o pinaasa sa mga adhikain na di umano'y ipapatupad o isusulong ng "amo", ngunit sa kalaunan na matapos makuha ng naturingan na amo ang kaniyang gusto, walang utang na loob na kinakalimutan ang mga sakripisyo at malasakit ng nagsipaglingkod sa nasabing "amo".

Ang mga "amo" na ganyan ay salot sa buhay at lipunan. Makasarili at mapagsamantala. Sa madaling salita, tuso at masamang tao. Ipapahamak ka lang niyan.

Kung iyan ay pulitiko, o nagnanasa pa lamang na magpayaman, mayroon kang obligasyon na ibulgar siya.

Sent from my BlackBerry® 09328264529