Pilipino ka? May problema ka? Ang bayan natin? May problema? Bakit? Problema ba yan? O, problema bayan?! Sundan, basahin, lumahok, o . . . walang lang. Bahala ka. Pero, teka, ang mahalaga, ikaw ay hindi problema. Ikaw ay solusyon! Sana nga. Tara na!
Saturday, December 31, 2011
ONLY IN THE PHILIPPINES
Mga for example:
1. People Power. Tingnan ninyo, sa ibang bansa ang people power ay medyo maligalig. May mapayapa tulad ng sa atin. Ngunit meron din na hindi. Sa Pilipinas, hindi malaman noon ng mga dayuhan kung seryoso tayo o hindi. Aba saan ka nga ba makakakita ng people power na may mga nagtitinda ng mga kakanin, palamig, stickers, T-shirts, at lobo! Naku talaga nga naman. Tapos pag may nagbarilan, imbis na lumayo e pilit pa na lalapit at tawanang nakikiusisero. Kung hindi mo gamay ang ugali ng Pilipino ay maprapraning ka kung dayuhan ka. At mind you, sa Pilipinas lang kung saan ang mga napatalsik sa kinalalagyan ay nakakabalik sa pamamagitan ng kani kaniyang pamilya.
2. Traffic, Jaywalking at Lagay. Huwag na tayong lumayo pa. Araw- araw tayo ay dismayadong saksi sa mga nagwawalang driver at mga wari'y mga magpapakamatay na tumatawid sa mga kalsada. May batas pero ang pagpaptupad nito ay lumilitaw na guni-guni lamang. Ito ay mitsa rin ng corruption.
3. Patay, Lamay at Libing. Pag mayroong namatay, sa lamayan ay mayroong pasugal, pabingo, kainan na buffet, halakhakan, bottomless coffee, tetrapak juices, biscuits at iba pang kakanin. Yon nga lang halos lahat ay nasa labas ng talagang lamay habang ang bangkay ay nasa loob o parang display na lamang sa pagtitipon. At eto pa, pag picture taking na, naka smile pa, natakpan pa ang ataul. Kulang na lang may wacky shots. Pagdating naman sa pamahiin, naku isang katutak ang dapat sundin dahil wala namang mawawala. Pagalingan ng nalalaman as if concerned na para wala ng susunod na tipong episode o sequel ng "twilight". At huwag ka, sa libing, ang lalakas ng bulungan ng mga mapanghusga. Matapos ang libing, looking forward na mga ani mo'y concerned sa "siyaman", 40 days at lungkasan.
At marami pang iba. To be continued . . .
Sent from my BlackBerry®
Sunday, December 25, 2011
MALIGAYANG PASKO !
Saturday, December 24, 2011
PAGPAPATAWAD
Lungsod Quezon, 15 Disyembre 2011 - Malaking bagay ang magpatawad ng kapwa. Wika nga, kung ang Diyos ay nakakapagpatawad, tao pa kaya?
Sa buhay ng tao, maraming pagsubok ang pinagdadaanan ng bawat isa. Kinalaunan, mayroong pagkakataon na nakakasakit ang iyong kapwa sa iyo. Sa ganitong pangyayari, ikaw ay nagagalit o nakakapag-isip ng masama upang gumanti. Ano ang mapapala mo sa ganito? Wala. Sigurado ay hinagpis at pagsisisi ang haharapin mo.
Upang maging maginhawa ang puso at kalooban, matutong maging mapagpatawad na tuwina. Sa pamamaraang makatuwiran at makatarungan.
PAGHAHANDA at KAHANDAAN
Lungsod Quezon, 14 Disyembre 2011 - Malaki ang kaibahan ng "paghahanda" sa "kahandaan". Ang unang kataga ay hindi maituturing na kahandaan sa ano mang maaari o inaasahang mangyayari. Ang kahandaan ay nangunguhulugan na nagkaroon ng paghahanda. Ngunit maituturing ba na "handa" ka kung ikaw at naghanda?
Sunday, December 18, 2011
KRISIS
Sa bansang tulad natin, ang sistema ng pamahalaan ay "republican". Sistema na kung saan ang taong bayan ang pinagmumulan ng kapangyarihan ng pamahalaan. Ang ehekutibo ang nagpapatupad ng batas. Ang kongreso at senado ang gumagawa ng batas. Ang korte suprema ang nagpapakahulugan sa batas at tagapaghusga ng mga karapatan.
Inaasahan na ang mga sangay na ito ay maggagalangan sa isat isa at mayroong pagkakaisa na susundin ang Saligang Batas.
Nagkakaroon ng krisis sa sandaling ang isang sangay ay naging pasaway.
Hindi maganda sa bansa pag nagkaroon ng krisis. Ito ay dahil magdudulot ito ng pagkakahati-hati ng mga mamamayan na maaaring maging sanhi ng kaguluhan o kawalan ng respeto sa batas at mga institusyon.
Sa mga ganitong pagkakataon ang taong bayan ay dapat magpahayag ng katapatan sa pamahalaan na pinamumunuan ng ating mahal na Pangulo. Iparating din naman natin sa kanya ang ating saloobin sa mga nangyayari sa pamamagitan ng ating mga kinatawan sa senado at kongreso, at ibang pamamaraan na di gumagamit ng dahas.
Ito ang demokrasya. Itaguyod natin.
Sent from my BlackBerry® 09328264529
Saturday, December 17, 2011
ANG "AMO"
Mayroon naman na mga taong umaasa o pinaasa sa mga adhikain na di umano'y ipapatupad o isusulong ng "amo", ngunit sa kalaunan na matapos makuha ng naturingan na amo ang kaniyang gusto, walang utang na loob na kinakalimutan ang mga sakripisyo at malasakit ng nagsipaglingkod sa nasabing "amo".
Ang mga "amo" na ganyan ay salot sa buhay at lipunan. Makasarili at mapagsamantala. Sa madaling salita, tuso at masamang tao. Ipapahamak ka lang niyan.
Kung iyan ay pulitiko, o nagnanasa pa lamang na magpayaman, mayroon kang obligasyon na ibulgar siya.
Sent from my BlackBerry® 09328264529
KARAPATANG PANTAO
Sent from my BlackBerry® 09328264529
ANG PILIPINO AY MAKA-BAYANIHAN
Sent from my BlackBerry® 09328264529
ANG PILIPINO AY MAY DANGAL
Sent from my BlackBerry® 09328264529
Monday, December 12, 2011
ANG PILIPINO AY SUMUSUNOD SA BATAS AT ITINATAGUYOD ANG PAMAHALAAN !
Lungsod Quezon, 8 Disyembre 2011 - Pagsunod sa Batas at Pagtaguyod sa Pamahalaan. Tayo ay isang republika na kung saan ang kapangyarihan ay nagmumula sa tao. Ang kapangyarihang ito ay ginagamit sa pagpapalakad ng pamahalaan, pagsasagawa, pagpapatupad at pagpapakahulugan ng batas. Ang mga halal ng bayan, at ang mga itinalaga sa katungkulin ayon sa itinatadhana ng batas ang siyang nagpapatupad at gumaganap sa mga gawain ng pamahalaan, kongreso at hudikatura. Sa bahagi naman natin, bilang mga mamamayan, kailangan tayo ay sumunod sa mga batas na ipinaiiral at ating walang patid na itaguyod ang ating pamahalaan. Sumunod sa batas. Magbayad ng buwis. Tumulong sa pamahalaan. Ipahayag ang nararapat at itakwil ang mali.
ANG PILIPINO AY TAPAT SA BAYAN AT WATAWAT !
Lungsod Quezon, 7 Disyembre 2011 - Katapatan sa Bayan at Watawat. Ibinuwis ng ating mga ninuno ang kanilang buhay upang makamit natin bilang mga Pilipino ang kasarinlan. Bilang mga Pilipino, ang ating lahi ay makasaysayan at siksik sa mga katangiang maipagmamalaki. Matapang, masipag, matalino, at mayroong paninindigan. Dapat pagyamanin ang mga minana natin sa ating mga bayani, at gawing matitibay na haligi ang mga ito sa tuloy-tuloy na pagbubuo ng dakilang bansa. Maging tapat sa ating watawat, at isaisip ang mga kinakatawan nito, bilang paalala na tayo rin, katulad n gating mga bayani, ay may mga tungkulin dapat gampanan bilang mga mamamayan.
ANG PILIPINO AY MAKA-PAMILYA !
Lungsod Quezon, 6 Disyembra 2011 - Pagmamahal sa Pamilya. Ang pamilya ang itinuturing na pinakamahalagang haligi ng ating lipunan. Dahil sa pamilya at mga hanay ng mga pamilya, ang isang bansa ay nabubuo taglay ang lakas ng pagkakaisa, pagmamahalan, pagkalinga sa isa't isa at pagkakaunawaan. Mula sa mga magulang, nanggagaling ang diwa ng pamilya, at mula sa mga anak, nanggagaling ang buhay ng pamilya.
"Ipininagdiriwang ko ang aking kaarawan ngayong araw na ito dahil sa pagmamahal ng aking pamilya – mula sa aking pinakamamahal at natatanging asawa at mula sa aming minamahal na mga anak. Sila ang susi at lakas ko. Dahil sa kanila, ang aking buhay ay makabuluhan. Kami ay magkakasama sa paglalakbay ng buhay. Nagtutulungan. Tapat sa isa't isa. Nagmamahalan. Nagpapakatatag ang bawat isa upang ang pamilya ay higit na lumakas at magampanan ang iniatang na tungkulin ng Panginoon sa isa't isa ng buong puso. Salamat sa aking pinakamamahal at tapat na kabiyak, at salamat sa aming mga anak. Katumbas ay ang aking pagmamahal at katapatan, noon, ngayon at magpakailanman. Salamat sa Panginoon, sa ipinagkaloob niyang pamilya sa akin." - ang lumikha ng blogspot na ito