Wednesday, November 30, 2011

MABUHAY ANG MGA BAYANING PILIPINO !

Ngayong araw na ito, ika-30 ng Nobyembre 2011, ating ginugunita ang kapanganakan at kabayanihan ni Andres Bonifacio y Castro, ang Supremo ng Katipunan. Sa paggugunitang ito, ating sariwain sa alaala ng kasaysayan ang kanilang ginawang kabayanihan. Sila ay nagbuwis ng kanilang dugo at buhay upang ang ating bayan ay makaaklas sa pagkakagapos. Sila ay nanindigan na ang Pilipino ay nararapat na malaya na umugit ng sarilin niyang kinabukasan, at pamahalaan ang sarili niyang pagtahak sa landas ng buhay. Ang bawat isa sa atin, sa kasalukuyang panahon ay dapat na magpakabayani sa isip, sa salita at sa gawa. Iyan ang Pilipino!